CEC

Fisherfolk, environmentalists unite against coastal conversion & reclamation

Posted on Updated on

Fisherfolk, environmentalists unite against coastal conversion & reclamation

DSC_0349.JPG
PAMALAKAYA Chair Fernando Hicap discussed the adverse effects of reclamation projects in fishing sector

Manila, Philippines – The militant fisherfolk group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) on Wednesday spearheaded the launching of the broad alliance Koalisyon Kontra-Kumbersyon at Reklamasyon (KKKR) at the Redemptorist Church Baclaran. The alliance includes environmental groups Kalikasan People’s Network for the Environment, Center for Environmental Concerns (CEC), church organizations, and students from St. Scholastica and University of the Philippines Manila.

In a unity statement, the anti-reclamation alliance vows to oppose all types of reclamation and conversion of fishing waters and coastal communities that pose adverse effects both to socio-economic rights of the fisherfolk and marine environment.

PAMALAKAYA during the forum presented the national plan of Philippine Reclamation Authority (PRA) to reclaim more than 40,000 hectares of fishing waters throughout the country. Approximately 2/3 of the project will be found in Manila Bay including the 148-hectare Solar City Project and the newly approved project of Manila Mayor Joseph Estrada dubbed as ‘city within a city’ covering 407.42 hectares of the gulf.

If completed, the grandiose plan of PRA will eject thousands of fisherfolk families and coastal settlers from their livelihood and coastal community. It will pose grave threat to the marine environment and its resources that can also have long-term effect on the country’s fish supply and food security,” Koalisyon Kontra-Kumbersyon at Reklamasyon (KKKR) said in a unity statement.

Read the rest of this entry »

EARTHDAY ACTION: Fisherfolk, environmentalists back top environment chief on pro-people, pro-environment policies

Posted on Updated on

EARTHDAY ACTION: Fisherfolk, environmentalists back top environment chief on

DSC_0122.JPG
Fishers, environment activists on Earth Day picketed DENR to push the agency for pro-people and pro-environment policies

pro-people, pro-environment policies

Manila, Philippines – Gathering at the Department of Environment and Natural Resources (DENR) head office in Quezon, City, the fisherfolk group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) and environmental activist Kalikasan People’s Network for the Environment (KALIKASAN) on Earth Day pushed Environment Secretary Gina Lopez to continue its pro-environment and pro-people policies, namely, the suspension of numerous large-scale mining operations that rampantly destroy the environment and the demolition of vast-tract of fishpens in Laguna de Bay that pollute its aquatic resources.

It is first time in our history that our environment Czar has prioritized the interest of the people and the environment over the narrow interest of the oligarchs. We laud Secretary Lopez’s persistent campaign against giant mining firms that destroy our mountains, forests and seas. Her anti-fishpen campaign is also highly notable as it is a long-time demand of the Laguna de Bay fishers whom for decades have been deprived of their common fishing grounds,” Fernando Hicap, PAMALAKAYA Chairperson said during the protest.

Although welcoming Lopez’s actions, the fisherfolk group urges Lopez to also show objection against widespread reclamation and conversion of fishing waters that transform its productive fishing ground into private business ventures at the expense of its fragile marine environment and livelihood of the fisherfolk and coastal settlers.

Read the rest of this entry »

Fishers, environmentalists declare war against ‘Great Wall of Leyte’

Posted on

Fishers, environmentalists declare war against ‘Great Wall of Leyte’

IMG_20161209_135944.jpg
Yolanda survivors under People Surge staged a protest at DENR

Manila, Philippines – The fisherfolk group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas), People Surge, an alliance of Yolanda survivors based in Tacloban City, and environmental group Center for Environmental Concerns (CEC) are gearing for a total war against the national government’s ambitious plan to build anti-storm surge wall along the towns of Tacloban City, Palo and Tanauan, Leyte known as the Tide Embankment Project (TEP).

The TEP (also known as ‘The Great Wall of Leyte’) which costs 7.9 billion pesos is a long stretch of seawall from Tacloban to the town of Tanauan, Leyte, touted to protect people from storm surges. Of the 27.3 kilometers length of the embankment, 20.1 km. are in Tacloban, 4.1 km. will cover Palo and 3.1 km. in Tanauan. It shall have a height of about 4.5 meters and its center line said to stand 30 meters from the seashore.

In Tacloban City alone, 10,000 coastal households face impending eviction to pave way for the project based on the Tacloban North Integrate Development Plan. Many of the communities that are directly affected are still waiting for adequate rehabilitation and economic aid three years after the super-typhoon Yolanda struck the country.

Read the rest of this entry »

Various groups conducted a National Fact Finding and Solidarity Mission in Laguna Lake

Posted on

Manila, Philippines – Various groups led by the broad alliance Save Laguna Lake Movement (SLLM), together with militant

The Fact Finding team together with the freshman students from Miriam College
The Fact Finding team together with the freshman students from Miriam College

fisherfolk Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya-Pilipinas), scientist group Agham (Advocates of Science and Technology for the People), and  environmental group Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE) conducted a National Fact Finding and Solidarity Mission on the effects of the Laguna Lakeshore Expressway Dike Project (LLEDP) on the fisherfolk and the people living around the Laguna de Bay.

The fact finding mission was held in the selected towns of Muntinlupa, Taguig and Laguna on 24th to 26th of October.

Below is the Executive Summary formed during the NFFSM.

Executive Summary: National Fact Finding and Solidarity Mission

Hinggil sa Epekto ng Laguna Lakeshore Expressway Dike Project

sa Mangingisda, Mamamayan at Lawa ng Laguna

Kami, mga kalahok mula sa iba’t ibang multi-sektoral na organisasyon, ay naglunsad ng National Fact Finding and Solidarity Mission (NFFSM) sa mga komunidad sa paligid ng Lawa ng Laguna noong Oktubre 24 hanggang 26, 2015. Napag-alaman sa NFFSM na ito ang ilan sa matitingkad na problema at isyung kinakaharap ng mga mangingisda at mga maralitang naninirahan sa paligid ng lawa.

Sa sukat na 911 kilometro kuwadrado, ang Lawa ng Laguna ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Umaabot sa humigit-kumulang na 10.8 milyong katao ang populasyon sa paligid nito (NSO 2010). Dito din nagmumula ang 40% ng pagkaing isda sa Metro Manila.

Sa pagpapatupad ng LLEDP, tinatayang 3.9 milyong mangingisda at maralita ang direktang maaapektuhan nito. Magbubunga ito ng malawakang pagpapalayas, pagkawala ng kabuhayan at pagkasira ng lawa.

Layunin

Nilayon ng NFFSM  na:

  1. Mangalap at sistematisahin ang mga datos at madokumento ang mga impact at epekto ng LLEDP sa mga komunidad sa paligid ng Lawa ng Laguna;
  2. Pataasin ang kamulatan, palakasin ang pagkakaisa at pakilusin ang iba’t ibang sektor na maaapektuhan ng proyekto;
  3. Ikampanya sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, sa antas pambansa at lokal, na itigil ang proyekto;
  4. Ilantad ang kontra-mamamayang karakter ng mga programang Public-Private Partnership ng gobyerno; at
  5. Ipopularisa ang kampanya at pakikibaka ng mga mamamayang naninirahan sa mga komunidad sa paligid ng lawa para makamit at mas malakas na suporta sa pambansang antas.

Mga Kalahok

Inilunsad ang NFFSM sa pangunguna ng Save Laguna Lake Movement (SLLM) at Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) kasama ang Advocates of Science & Technology for the People (Agham) at Kalikasan-Peoples Network for the Environment (Kalikasan-PNE) at sa pakikipagtulungan ng Pesticide Action Network Asia and the Pacific (PAN-AP), ANAKPAWIS Party-List, SLLM-Muntinlupa, Institute for Creative Study and Educational Development (I-CSED), at CREST. Nilahukan ito ng KMP; Amihan; SENTRA; PDIARS; PNFSP; TUDLA Productions; BAYAN MUNA–Taguig; mga samahan ng mangingisda sa Lungsod ng Muntinlupa, Taguig at Sta. Rosa, Laguna; mga estudyante ng Mirriam College; Linangan ng Kulturang Pilipino; Philippine Graphics; at isang mamamahayag mula sa Belgium. Dinaluhan din ito ni PAMALAKAYA-Pilipinas Chairperson at ANAKPAWIS Rep. Fernando “Ka Pando” Hicap.

Methodology

Nagsagawa ng focus group discussions (FGD) at key informant interviews (KII) na nilahukan ng mga mangingisda mula sa Muntinlupa, Taguig at Sta. Rosa, Laguna (166 ang respondents sa FGD at 13 informants sa KII).

Mga Susing Impormasyong Nakalap

Bilang pangunahing pinagkakukunan ng kabuhayan

Ang Lawa ng Laguna ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at mamamayan sa paligid nito. Tilapya, bangus, mamali (big head) at kanduli ang kadalasang nahuhuli sa lawa.

Ayon sa isang respondent mula sa Brgy. Hagonoy, Taguig, napagtapos niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pangingisda. Inihalintulad ng ilang respondent ang lawa sa bangko na tiyak silang makakapag-withdraw anumang oras. May nagsabi pa ngang “mawala man ang lahat ng hanapbuhay sa paligid ng lawa, mabubuhay pa din sila dahil sa lawa.”

Lumitaw sa ilang FGD na ang karaniwang kita nila sa pangingisda ay 1,000-2,000 PHP kada araw at maaaring umabot pa sa 3,000 PHP kapag malakas ang huli sa mga baklad. Mahina na ang 500 PHP na kita kada araw.

Bagamat nananatiling pinagkukunan ng kabuhayan ang pangingisda, nagkakaisa ang mga respondent na nagkaroon ng pagbabago sa bolyum ng huli at laki ng mga isdang nahuhuli sa lawa. May mga klase ng isdang madalang nang mahuli ngayon sa lawa tulad ng biya, ayungin at martiniko.

Iba’t ibang salik ang tinukoy ng mga respondent sa maaaring sanhi ng pagbabagong ito. Ayon sa isang panayam sa Sta. Rosa, napansin nila ang unti-unting pagbabago sa pangingisda sa lawa mula nang maitayo ang Napindan Hydraulic Control Structure (NHCS), pinigilan nito ang malayang paglabas at pagpasok ng tubig mula sa Manila Bay. May pagtingin silang malaki ang naging epekto ng pagsasara ng NHCS sa pagliit ng kanilang huli at pagdami ng water lily at peste tulad ng janitor fish at hinadlangan nito ang mabilis na paglabas ng tubig na nagdudulot ng pagbaha.

Kaalaman sa LLEDP

Marami sa mga respondent ang nagsabing wala silang nakuhang malinaw na impormasyon kaugnay ng LLEDP mula sa gobyerno. Tinukoy nila na mula sa SLLM ang mga kaalaman nila tungkol sa proyekto. Maglunsad man ng mga public consultation, pili lang ang mga iniimbitahang dumalo dito at marami sa mga ito ay hindi mangingisda. Sa mga pagkakataong nagpapahayag sila ng kanilang pagtutol, hindi na sila iniimbitahan pa. May mga pagkakataon ding pinalalabas na ang mga nakapirma sa attendance sa public hearing ay pag-sang-ayon nila sa LLEDP sa kabila ng pagrehistro nila ng kanilang pagtutol. Sa katunayan, nagdaos ng fluvial protest ang mga mangingisda mula sa Taguig at Muntinlupa noong Hulyo 25, 2015. Nagkakaisa ang mga respondent na ang LLEDP ang gugutom at papatay sa mga mamamayan sa paligid ng lawa.

Iba pang isyu na kinakaharap

Ilan sa mga isyung natukoy ng mga respondent ay:

–          Ang isinasagawang reklamasyon sa Taguig pero hindi malinaw sa mga respondent kung sino ang nagpapatupad at para saan ito. Nagkaroon din ng Committee Hearing sa Brgy. Hagonoy dahil tinatambakan ng basura ang mga nire-reclaim na baybayin. May mga pangyayaring kumakatas ang basura mula dito na nagdudulot ng pagkamatay ng mga isda at semilya.

–          Fish kill sa Sto. Nino Aplaya St., Brgy. Poblacion, Muntinlupa dahil sa industrial waste mula sa Pepsi at RMT Industrial Complex.

–          Polusyon mula sa mga itinatapong chemical waste ng mga pabrika na dumadaloy sa mga kanal papuntang lawa

–          Bagamat may natatanggap na tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng mga ahensiya nito, hindi ito angkop sa pangangailangan ng mga mangingisda. Hindi rin sapat ang tulong na binibigay dahil hindi lahat ay nabibigyan. Nakikita ring panandalian o “bandaid solution” lamang ang binibigay na tulong o ginagawang hakbang ng gobyerno at/o ahensiya nito.

–          Pagpapalayas sa mga naninirahan sa tabing lawa dahil nasa danger zone daw ang kinatatayuan ng kanilang mga bahay.

Kahilingan

Batay sa mga isinagawang KII at FGD, narito ang kanilang mga kahilingan:

–          Huwag nang ituloy ang proyektong LLEDP

–          Rehabilitasyon ng Lawa ng Laguna

–          Ipatigil ang pagtatapon ng mga pabrika ng industrial at chemical waste sa lawa

–          Permanenteng buksan ang NHCS

–          Magkaisa ang mga mamamayan para tutulan ang LLEDP

–          Kahilingan na magkaroon ng malaganap na diskusyon ng impormasyon hinggil sa proyekto

Mga Pagsusuri at Konklusyon:

Ang LLEDP ay hindi magsisilbi sa interes at kagalingan ng mga mangingisda at mamamayan. Lalo pa nitong sisirain at papatayin ang lawa pati na ang mga mamamayang umaasa rito. Samu’t saring suliranin ang kinakaharap ng mga mangingisda at mamamayan sa paligid ng lawa pero hindi ito natutugunan ng pamahalaan. Lalo pa nitong sinasadlak sa matinding paghihirap at pagdurusa ang mga mamamayan.

Sa kabila ng mga suliranin at hamong ito, nagsisikap ang mga mangingisda na maitaguyod ang pagpapabuti sa kalagayan ng kanilang pamilya. Pero pandarahas, panlilinlang, at panghahati sa mga mamamayan ang nagiging tugon ng pamahalaan sa paggigiit ng mga mamamayan ng kanilang mga karapatan.

Gayunpaman, naninindigan at kumikilos ang mga mangingisda at mamamayan sa paligid ng lawa na ipagtanggol ang kanilang karapatan at interes upang labanan ang LLEDP. Nananatili ang hamon na patibayin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa paligid ng lawa, patuloy na pagpapalawak ng hanay, at paghamig ng malawak na suporta at pakikiisa ng iba’t ibang sektor, samahan at indibidwal para sa pangangalaga ng Lawa ng Laguna.

Mga Rekomendasyon

Batay sa mga datos na nakalap mula sa mga mangingisda, ito ang mga rekomendasyon ng NFFSM sa pambansa at lokal na pamahalaan, mga kagawaran, at mga ahensyang may kinalaman sa lawa at sektor pangisdaan:

  • Huwag nang ituloy ang LLEDP.
  • Kilalanin, igalang, at itaguyod ang karapatan sa paninirahan at kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa paligid ng lawa.
  • Repasuhin at itigil ng pamahalaan ang lahat ng mga batas, patakaran, polisiya, programa at mga lokal na ordinansang nakaaapekto o lumalabag sa interes, kapakanan at kabuhayan ng mga mangingisda at iba pang mamamayan sa paligid ng lawa tulad ng PPP, National Reclamation Plan, Laguna de Bay Basin 2020.
  • Itigil ang pribatisasyon at kumbersyon ng mga pook pangisdaan at mga baybayin ng lawa.
  • Magsagawa ng mga angkop at epektibong programang tutugon sa rehabilitasyon ng lawa.
  • Tukuyin ang accountability ng bawat ahensya’t opisyal na may kinalaman sa lawa.
  • Imbestigahan at panagutin ang mga kumpanya o negosyanteng nakakasira sa lawa.
  • Imbestigahan at panagutin ang mga nanghaharas at nandarahas sa mga taong tumututol sa proyekto.
  • Magbigay ng angkop at sapat na ayuda sa mga mangingisda batay sa kanilang partikular na pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Panghuli, ang NFFSM ay nagpapahayag ng suporta sa pakikibaka ng mga mangingisda at mga mamamayang naninirahan sa paligid ng Lawa ng Laguna. Nananawagan sa lahat ng mga mangingisda at iba pang makabayang sektor na suportahan ang laban ng mga mamamayan sa paligid ng lawa at patuloy na tutulan ang mga kontra-mamamayang programa’t patakaran ng gobyerno.

Ipapamahagi ang mga kopya ng kabuuang ulat sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, sa pambansa at lokal na antas; at sa iba’t ibang organisasyon na nagsusulong ng kampanya at laban ng mga mamamayan.