PNoy, Napocor et al., pinakakasuhan dahil sa oil spill sa Iloilo

Posted on Updated on

  • image
  • “Hiniling ng Pamalakaya sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal kaugnay ng oil spill sa Estancia, Iloilo.”

    Hiniling ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal kaugnay ng oil spill sa Estancia, Iloilo.

    Sa demand letter kay DOJ Secretary Leila de Lima, iginiit ni Pamalakaya National Vice Chairman Peter Gonzales na pinalubha ng oil spill mula sa sumadsad na barge ng National Power Corporation (Napocor) ang sitwasyon ng mga mangingisdang sinalanta rin ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.

    Bukod kay PNoy, nais nilang maparusahan sina Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Jesus Paje, Napocor President Gladys Sta. Rita at iba pang opisyal ng Napocor.

    Katwiran pa ng Pamalakaya, labag sa karapatan sa balanced ecology ang nakadidismayang pagtugon ng pamahalaan sa oil spill.

    Partikular na tinukoy ng grupo ang anila’y pagkabigo ng gobyernong malinis ang insidente hanggang noong December 6 deadline. Report from Alex Calda, Radyo Patrol 43

Source: DZMM

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/PNoy,_Napocor_et_al.,_pinakakasuhan_dahil_sa_oil_spill_sa_Iloilo.html

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s